Itinuturing ni Ruru Madrid na isa sa kaniyang best friends si Buboy Villar, na tunay na kaibigan hindi lang sa showbiz kundi pati sa personal na buhay.

"'Yung friendship namin ni Buboy, maituturing ko si Buboy na isa sa best friends ko, sa buhay ko, hindi lang sa industriya," sabi ni Ruru sa panayam sa kaniya nina Boobay at Pepita sa YouLOL.

Kuwento ni Ruru, nagkukuwentuhan sila ni Buboy ng kanilang mga personal na problema sa isa't isa.

"Pagka kunwari may problema ako siya 'yung natatakbuhan ko, ganu'n din siya sa akin. 'Yun 'yung tipong pagkakaibigan na panghabambuhay," sabi ni Ruru.

Napapanood sina Ruru at Buboy sa reality TV show na Running Man Philippines.

Kahit na mag-best friends, sinabi ni Ruru na handa siyang makalaban si Buboy sa naturang series. —LBG, GMA Integrated News