Nag-trending si Andrea Torres dahil sa magaling niyang pagganap bilang si Sisa sa hit historical portal fantasy series na "Maria Clara at Ibarra."

Sa ulat ng “Unang Balita” nitong Huwebes, mapapanood ang isang episode ng series kung saan hinuli ng mga guwardiya sibil si Sisa matapos pagbintangang nagnakaw ang anak niyang si Crispin.

Noong nasa cuartel, unti-unti nang nagpakita ng sintomas ng pagkawala sa katinuan ng pag-iisip si Sisa.

Sumakto ang pagpapalabas ng episode sa Todos Los Santos, ang mismong petsa rin sa “Noli Me Tangere” kung saan nawalan ng katinuan sa pag-iisip si Sisa.

Trending sa Twitter Philippines ang pagganap ni Andrea, na hinangaan online. — Jamil Santos/VBL, GMA News