May pakiusap si Tom Rodriguez sa kanilang mga follower sa Instagram na huwag nang banggitin ang pangalan ng kaniyang ex-wife na si Carla Abellana sa kaniyang mga post.

Sa isang video post noong October 23, ibinahagi ni Tom ang kaniyang pagbiyahe sa Las Vegas na may caption na “Vegas dust storm vibes.”

Sa comment section, may mga netizen na nakaalala na wedding date nila ni Carla ang October 23, at unang anibersaryo sana nila ito. (BASAHINCarla Abellana at Tom Rodriguez, ikinasal na)

May mga nagpahayag na umaasang magkakabalikan ang dalawa, at may mga bumati pa rin sa kanilang dapat sana'y anniversary.

Kaya naman nag-iwan na ng mensahe at pakiusap ang aktor.

“‘Wag na po natin ibanggit ang name dito sa page ko. Thank you. We are no [longer] together and are moving onto own paths,” saad niya.

 

 

Matatandaan na inihayag ni Tom nitong nakaraang Hunyo na naaprubahan na ang diborsiyo nila ni Carla. Sabi pa ng aktor, natanggap na niya ang desisyon ng kaniyang dating kabiyak at, "it is time to move forward, independent from each other.”

Kasalukuyang nasa Amerika si Tom, at magsasagawa doon ng ilang pagtatanghal.

Sa nakaraang episode naman ng "The Boobay and Tekla Show, sinabi ni Carla na "malaya" na siya.  (BASAHIN: Carla Abellana, sinagot ang tanong kung 'malaya' na ba siya)— FRJ, GMA News