Naging laman ng mga usapan sina John Lloyd Cruz at artist na si Isabel Santos matapos makita ng netizens ang mga larawan nila na magkasama sa Italy.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules, sinabing isang A-lister sa art industry si Isabel.

Makikita sa ilang larawan ni Isabel sa Instagram ang sweetness nila ni John Lloyd.

 

Bago nito, nagkasama na noon sina John Lloyd at Isabel sa isang photo exhibit. —LBG, GMA News