Slay at nagningning si Maine Mendoza sa kaniyang pagrampa sa huling araw ng fashion week ng isang sikat na lifestyle brand.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa "24 Oras" nitong Martes, sinabing Filipiniana ang tema ng huling araw ng fashion week.

Hindi nawawala sa Phenomenal Star ang kaniyang ngiti sa kaniyang pagrampa sa runway.

"Ito with audience, and I didn't know what to expect. Pero masaya noong paglabas namin, parang, wala na, nag-enjoy na lang kami," sabi ni Maine.

"'Yug ni-remind sa amin before we went out, that you can just enjoy, smile, this is to celebrate, not the end of the pandemic pero after two years we are able to get together na po," dagdag ni Maine.

 

 

Kabilang sa Kapuso stars na namataan sa event sina EA Guzman, Khalil Ramos, Kelvin Miranda, Yasser Marta at Jeric Gonzales.--Jamil Santos/FRJ, GMA News