Nakiisa ang Blackpink sa Sustainable Development Goals (STG) Summit ng United Nations, para sa panawagang tugunan ang mga usapin sa climate change, gender equality, kahirapan at gutom sa mundo.
Sa Chika Minute report sa GMA News 24 Oras nitong Martes, mapapanood sa isang video message ang panawagan ng Kpop girl group.
Bukod sa mga adbokasiya, hinikayat din ng Blackpink ang publiko na bawasan ang energy consumption at food waste.
Kasama ng Blackpink na naghatid ng suporta sa adbokasiya ng UN ang American poet na si Amanda Gorman.
"The climate crisis is getting worse. There isn't a single moment to lose. That is why STG 13 for Climate Action is so important," sabi ni Rose.
"We must seize this moment and take actions to create a world that is more sustainable, and leave no one behind" sabi ni Jennie.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News