Kahit binansagang Father of Philippines Christmas Carols, may iba pang sikat na kantang Pinoy na naging bahagi si Jose Mari Chan kahit wala itong kaugnayan sa Pasko at iba ang umawit.
Sa isang episode ng “The Howie Severino Podcast,” ibinahagi ni Jose Mari Chan na kasama siya lumikha ng “Mamang Sorbetero” na inawit ni Celeste Legaspi.
Ang katuwang ni Jose Mari Chan na nag-compose ng naturang awitin ay si Gryk Ortaleza, na ama ng Kapuso actress-host na si Chynna Ortaleza.
Kasama rin si Jose Mari Chan sa gumawa ng “Ang Nobya Kong Sexy” ng inawit ng Apo Hiking Society.
Ang miyembro ng grupo na si Jim Paredes umano ang katuwang ni Jose Mari Chan sa paggawa ng naturang kanta.
“I can express myself better in English," pag-amin ni Jose Mari. "Tagalog is only my third language. My second is Ilonggo, Iloilo. So when it comes to Tagalog, I would rather get a collaborator, a co-writer."
Bukod sa mga OPMS hit song, gumagawa rin ng mga commercial jingle si Jose Mari Chan na nakaka-LSS. Kabilang na ang mga ginawa niya para sa Alaska at Knorr.
“They would call me and say, ‘Joemari, we have this product. The tagline is this: Lasa’t lasa, walang tatalo sa Alaska. Can you put that to music?’” kuwento niya.
“I wrote also ‘There are Chinese soups, but there is nothing like Knorr Real Chinese Soup,’” dagdag ni Jose Mari Chan.
Ayon kay Jose Mari Chan, para sa kaniya ay hindi na kailangan pang malaman ng tao na siya ang nasa likod ng mga kanta.
“Those songs are available on Spotify and I get royalty. That’s enough. I don’t really have to blow my horn like, ‘Hey. This is my song. This is my song,’” saad niya.— FRJ, GMA News