Emosyonal na inalala ni Max Eigenmann ang kaniyang pumanaw na tiyahin na si Cherie Gil, na iba sa totoong buhay kumpara sa napapanood sa kaniya sa mga pelikula at telebisyon.

Sa Updated With Nelson Canlas, inilarawan ni Max ang pagiging close nila ni Cherie.

Pero sa kaniyang pagsasalita, sinabi ng Cinemalaya 2022 Best Actress na hindi siya kumportableng ilagay sa nakaraan ang relasyon niya sa kaniyang tiyahin.

“You know, Tita Cherie and I were really, really close. I don't like saying 'were' —parang it doesn't feel right when I refer to her in the past,” sabi ni Max.

"But Tita Cherie and I are like super, super best friends," dagdag ni Max, na sinabing naging higit pa sa tiyahin at pamangkin ang relasyon nila ni Cherie, matapos pumanaw ang ama niyang si Mark Gil.

"We really became barkada talaga. We were together almost every day after he passed away."

Kinumpirma ni Max na kabaliktaran si Cherie sa tunay na buhay, na iba sa kaniyang persona sa telebisyon bilang "La Primera Kontrabida."

“She's really, really sweet, as in. Super duper loving, super kind. Very super sassy,” paglalarawan ni Max.

Sa kaniyang pagkuwento sa kaniyang tiyahin, ilang segundong napatigil si Max.

"Tita Cherie and I are... I super miss her."

Matatandaang pumanaw noong nakaraang buwan si Cherie sa edad 59 dahil sa endometrial cancer.

Oktubre 2021 nang matuklasan umano ang sakit ng aktres nang magpasya itong manirahan na sa New York kasama ang kaniyang mga anak. —LBG, GMA News