Kung mayroon mang hiling si Marian Rivera sa darating na Pasko, ito ay ang mabuntis at magkaroon sila ni Dingdong Dantes ng baby number 3.
Sa kaniyang social media account, ibinahagi ni Marian ang isang video ng When In Manila kung saan tinanong siya para kumpletuhin ang pangungusap na " All I want for Christmas is...”
Sandali munang napahinto at tila napaisip si Marian, bago ibinigay ang kaniyang sagot.
"To get pregnant," anang Kapuso Primetime Queen.
Sa ngayon, mayroon nang 2.5 milyong views ang video, 72,000 reactions at 1,200 comments mula sa netizens.
Dati nang inihayag ni Marian na umaasa siyang masusundan pa ang mga anak nila ni Dingdong na sina Zia at Ziggy.—Jamil Santos/FRJ, GMA News