Engaged na si Ynna Asistio sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Bully Carbonell.

Sa Instagram, nag-post nitong Linggo si Ynna ng larawan niya habang nakayakap sa kaniya si Bully. Makikita rin ang engagement ring na suot ng aktres ang may bouquet of flowers.

"Ilang taon ako [nagbenta] ng engagement ring and wedding ring. Lagi ko tinatanong sa sarili ko, 'kailan kaya ako?' Ito na 'yun. In His time. In His perfect time," saad ni Ynna sa caption.

"Salamat, Mahal Ko! Salamat sa pagmamahal. Salamat at tinupad mo ang pangarap ko. I love you so much, Dub," dagdag pa niya. "Best day ever."

Sa isa pang post, ibinahagi ni Ynna ang larawan kung papaano siya inalok ni Bully ng kasal.

 

 

Ilan sa mga bumati na kay Ynna ay ang mga kapuwa celebs na sina Andi Eigenmann, Rodjun Cruz, Kaye Abad, Yasmien Kurdi, at Rich Asuncion.—FRJ, GMA News