Nakatakda nang ring i-release ng Girls' Generation sa Agosto 8 ang kanilang "Forever 1," na nagsisilbing kanilang comeback album.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing inaunsyo rin ng K-pop girl group sa kanilang mga social media account ang kanilang pagbabalik matapos ang limang taon.

Ang "Forever 1" ang kanilang ikapitong studio album, kung saan tampok ang 10 nilang kanta.

Ang album ay bahagi rin ng kanilang ika-15 anibersaryo simula nang mabuo sila noong 2007. —Jamil Santos/VBL, GMA News