Muling ipinamalas ni "Eat Bulaga" dabarkads Paolo Ballesteros ang kaniyang artistic skills sa pamamagitan ng pagdisenyo ng national costume ni Binibining Pilipinas 2022 candidate Graciella Lehmann.

Sa Instagram, ipinasilip ni Paolo ang kaniyang obra na tinawag niyang “Tikbalang,” na inspired mula sa Philippine folklore creature.

Pero sa halip na itim, puti ang ginamit na kulay sa disenyo ng costume.

"This national costume fashioned with intertwined branches of the Balete tree that forms the horse head and butterfly sleeves, and hugs the body down to its hooves as to conceal the creature’s presence,” saad sa post.

 

 

Paliwanag pa ni Paolo sa kaniyang obra, "Sheets of translucent, ghostly-white fabric are decoratively draped as its beguiling mane and tail that dance with the wind as it lurks in the shadows.”

Habang ang katawan naman, mayroong lace, pearls at rhinestones.

“Ethereal and sublime it may be, be wary of its eyes—blood red, glowing in the darkness of night. Gaze and marvel in awe, and forever be lost in enchantment,” ayon pa kay Paolo.

Ibinahagi naman ni Graciella ang post ni Paolo sa kaniyang IG sotries, at nagpasilip rin ng histura ng isusuot niyang costume.

Hindi ito ang unang pagkakatao na nagdisenyo si Paolo ng national costume para sa isang kandidato sa beauty pageant. --FRJ, GMA News