Isa sa mga celberity si Geneva Cruz na hindi tinatantanan ng mga nanlalait na netizen o basher. At nang may tumawag sa kaniyang “trying hard,” nagbigay ang singer-actress ng payo tungkol sa pagsuporta sa kapuwa babae.
Sa kaniyang Facebook page, ipinost ni Geneva ang screenshot ng netizen na tumawag sa kaniyang “trying hard.”
Tugon niya sa basher, “It’s your kind who should learn how to support your fellow women instead of talking ill about them. Making them feel bad does not make you prettier or [cooler]; it is a reflection of how you feel about yourself. I wish you happiness and enlightenment in life.”
Paglilinaw pa ni Geneva, hindi niya ipinost ang naturang komento sa kaniya para manghiya ng iba. Nais lang daw niya na itigil ng ibang tao ang ginagawang hindi maganda sa internet.
"When you expose yourselves in a hateful manner, you are only hurting yourselves. Be loving and be kind, para ang balik sa inyo maganda rin,” dagdag niya.
Ayon pa sa singer-actress, “If you think I'm too much, don't come here. Walang weight yung opinion mo sakin kasi that's old news.”
Kaya payo niya, huwag maging bully para hindi ma-bully.
"Be kind, and people will be kind to you as well. Let us all educate these humans para sa kanila rin yan,” patuloy ni Geneva na naniniwala sa kahalagahan ng self-love at body positivity. – FRJ, GMA News