Masaya at proud si Alden Richards na maipalabas sa Amazon Freevee sa Amerika ang teleserye nila ni Jasmine Curtis-Smith na "The World Between Us," na kauna-unahang Filipino title na mapapanood sa naturang streaming platform.
“Parang ngayon nagha-harvest ng fruit 'yung 'The World Between Us'. Nakakatuwa kasi based on what I heard, 'yung team ng Amazon Freevee ang lumapit sa GMA to get the title,” sabi ni Alden sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Miyerkoles.
"Ang isa pang nakakatuwa, this is the first Filipino title to be shown sa Amazon Freevee. Sobrang honored and proud lahat, the whole team," dagdag ni Asia's Multimedia Star.
Dahil dito, napa-throwback si Alden sa mga pinagdaanan nilang mga pagsubok sa taping ng "The World Between Us" habang kasagsagan ng COVID-19 pandemic, matagal na lock-in tapings at mga striktong health protocols.
"Mga fair shares ng mga problema while filming 'The World Between Us.' Siguro ito 'yung reward namin after those hardships," ani Alden.
Bago nito, napasama na rin ang "The World Between Us" sa Netflix.
Kasalukuyang nagte-taping si Alden para sa Philippine version ng hit Korean drama series na "Start-Up." --Jamil Santos/FRJ, GMA News