Hindi napigilan ng ilang netizens na matawa dahil kung hindi man nagulat o nakangiwi, maaalat naman ang kanilang mga ngiti sa kanilang mga larawan sa National ID.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, makikita ang national ID photo ni Jun Rey Baring na nakapikit at nakakagat-labi, na malayo sa kaniyang todo-aura sa social media.

Maliban kay Jun Rey, kumasa rin ang iba pang netizens sa "So I just got my national ID" trend.

Ipinaliwanag naman ng Philippine Statistics Authority na maaaring isauli ang mga depektibong ID at ipaayos ang mga ito. —LBG, GMA News