Puring-puri ni Ariel Rivera ang mga co-star niya sa Kapuso series na "The Fake Life," na sina Sid Lucero at Beauty Gonzalez.

Sa panayam ng "ArtisTambayan," sinabi ni Ariel na kahit mas bata sa kaniya si Sid ay marami siyang natutunan sa aktor.

Effortless na inilarawan ni Ariel ang acting ni Sid na parang hindi raw umaarte sa eksena.

"Ang galing-galing niya talaga. I learned so much from him," saad ni Ariel.

Pagdating kay Beauty, sinabi ni Ariel na "I loved working with Beauty."

Pakiramdam daw niya ay talagang asawa niya si Beauty kapag magka-eksena sila sa teleserye.

"Ang dali kong makuha yung emotions kasi she's so selfless. I honestly felt like she's my wife when were doing scenes together," patuloy ni Ariel. --FRJ, GMA News