Babalik sa pag-aartista si Andre Paras matapos magpahayag ng kaniyang pagreretiro sa Philippine Basketball Association bilang manlalaro ng Blackwater team.
Nagpadala na ng sulat si Andre kay Blackwater team owner Dioceldo Sy, kaugnay sa plano niyang retirement sa paglalaro sa PBA.
"I would like to respectfully inform you of my formal retirement from professional basketball with Blackwater Bossing as your player, effective immediately," saad ni Andre sa sulat.
"I would like to thank you for all the great opportunities you have given me at Blackwater. I have enjoyed working with the team and management and I am ready to move on to the next phase of my life and continue my acting career," patuloy pa niya.
Naglaro ang 6-foot-4 na si Andre sa Blackwater Bossing noong 2020 at naglaro sa liga ng dalawang conference.
Nakapagmarka siya ng 1.60 points at 1.30 rebounds sa 2021 Philippine Cup, na may kasamang 2.78 markers at 1.67 boards sa 2021 Governors' Cup.
Ikinalungkot naman ni Sy ang pagpapaalam ni Andre pero susuportahan daw nila ang kagustuhan ng kanilang manlalaro na isang Kapuso bago nag-focus sa career sa basketball.
"Sayang sobra. So me, like a father to most of the players, I like to see them have a greener pasture. I know it’s heavy also on Andre’s heart so let destiny decide one’s path or journey," sabi ni Sy sa GMA News Online.
"I wish Andre all the best," dagdag pa niya. — FRJ, GMA News