Matapos ang 18 taon na pagsasama, engaged na sina Aubrey Miles at Troy Montero.

Ibinahagi ni Troy ang balita nang mag-post siya ng larawan nila ni Aubrey habang nagka-kayak sa Boracay.

"Together 18 years, Engaged 8 hours… Here’s to Forever with you!" saad ni Troy sa caption na naka- tag si Aubrey.

May hiwalay na post naman si Aubrey sa kaniyang IG account,  nagpapahayag ang aktres ng kaniyang kasiyahan sa kanilang engagement ni Troy.

"Woke up to this forever happiness. I’ve always known it’s him," nakasaad sa caption ni Aubrey na makikita ang diamond engagement ring.

"Yesterday, I realized how exciting it is to get engaged and wearing a ring on my left hand," patuloy niya.

Ikinuwento rin ng aktres na nag-thank you muna siya bago nag-Yes! kay Troy.

"It’s too beautiful not to share this. If you know how It went down? I said 'Thank you and YES! ' Lol pag kita ko sa ring napa thank you muna ako bago Yes," saad pa niya sa caption.

 

 

Nitong March 16 nang ipagdiwang ni Aubrey ang kaniyang 42nd birthday sa Boracay. Isang buwan daw maninirahan sa Boracay ang pamilya para maranasan ng kanilang mga anak ang pamumuhay doon.

Sa darating na Setyembre, ipagdiriwang nina Troy at Aubrey ang ika-19 na taon ng kanilang pagsasama.

Mayroong dalawang anak sina Aubrey at Troy na si Hunter at Rocket. At may isa pang anak ang aktres sa nauna niyang karelasyon.

 

 


—FRJ, GMA News.TV