Engaged na sina Aubrey Miles at Troy Montero matapos ang 18 taon nilang pagiging magkarelasyon.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Troy ang intimate getaway nila ni Aubrey sa Boracay habang nakasakay sa isang kayak.

Ipinakita din ni Aubrey ang suot niyang engagement ring.

 

 

Ipinagdiwang nina Troy at Aubrey ang kanilang ika-18 anibersaryo Setyembre noong nakaraang taon.

Nito ring Marso, ibinahagi ni Aubrey na titira sila ng kaniyang pamilya sa Boracay ng isang buwan para ituro sa kanilang mga anak ang pamumuhay sa isla.

May dalawang anak si Aubrey kay Troy, na sina Hunter at Rocket. Samantala, anak niya ang panganay niyang si John Maurie sa dating nobyong si JP Obligacion. —Jamil Santos/VBL, GMA News