Isa na namang achievement ang nakamit ng BTS matapos nilang matanggap ang 1 billion streams plaque ng Spotify para sa hit song nilang "Dynamite." Ipinagdiwang ito ng grupo sa pamamagitan ng pagkain ng bibimbap.
Sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing natanggap ng BTS ang kanilang award matapos ang matagumpay nilang three-day in-person concert sa South Korea.
Pinusuan naman ng ARMY ang selebrasyon ng global sensation para sa kanilang achievement.
Kumpirmado ring magtatanghal ang BTS sa Grammys ngayong taon, at nominee rin ang grupo para sa Best Pop Duo/Group Performance para sa kanta nilang "Butter."
Ito na ang ikalawang nomination ng BTS para sa nasabing kategorya. — Jamil Santos/VBL, GMA News