Nagpapagaling na ang BTS member na si Jimin matapos magpositibo sa COVID-19 at operahan dahil sa acute appendicitis.

Sa Unang Balita nitong Martes, sinabing ito ang kumpirmasyon ng ahensya ng BTS na Big Hit Music, kung saan sinabi nitong nakaranas ng abdominal pain at mild sore throat kaya nagpatingin sa ospital si Jimin.

Sa ospital na na-diagnose si Jimin ng acute appendicitis at nadiskubre ring positibo siya sa COVID-19.

Nagpapagaling na si Jimin matapos ang operasyon.

Wala ring close contact ang K-pop idol sa kaniyang mga kabanda.  — Jamil Santos/VBL, GMA News