Inilahad ni Mark Herras na nagpositibo ang kaniyang pamilya sa COVID-19, at lalo pa silang nabahala nang nahawa maging ang anak niyang si Baby Corky.

"After two days of trangkaso, nahawa si Corky. So sobrang stressed kami, ako napaiyak, umiiyak ako noong gabi kasi nakita ko kung paano nahirapan 'yung bata," kuwento ni Mark sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes.

"Pero sa awa naman ng Diyos, after a week lang din, medyo nawala na 'yung symptoms namin," pagpapatuloy ni Mark.

Isinilang ng asawa ni Mark na si Nicole Donesa si Baby Corky, o Mark Fernando, noong nakaraang taon.

Mapapanood si Mark sa upcoming episode ng Wish Ko Lang nitong Sabado, tungkol sa isang call center na nag-aalok ng panandaliang aliw.

Samantala, mapapanood naman ang actress-comedienne na si Pokwang sa upcoming episode ng "Magpakailanman."

Ang naturang episode ay malapit daw sa puso ni Pokwang dahil personal niyang kilala ang tampok sa istorya.

--FRJ, GMA News