Sumalang sa hot seat si Gabby Concepcion sa "Mars Pa More" at sinagot kung kanino kina Carla Abellana, Jennylyn Mercado at Sanya Lopez siya pinakakinilig at nagkaroon ng daring na on-cam kiss.

Pagdating sa aktres na pinakamabilis niyang naging ka-close, si Sanya ang isinagot ni Gabby.

Pagdating naman sa best on-cam kiss, ito ay walang iba kundi si Sanya pa rin.

Sumagot si Gabby na kay Sanya rin siya pinakakinilig na leading lady. Si Sanya rin ang gusto niyang makasamang muli sa mas daring na project.

Nang hingian ng paliwanag, sinabi ni Gabby na si Sanya ang sinagot niya sa halos lahat ng tanong dahil ito ang nakasama niya sa isang recent project.

"Oo naman, siyempre. I cannot deny, dahil siyempre siya 'yung kasama ko ngayon, at meron kaming project noon," anang aktor.

Kung muli silang magkakaroon ng project ni Sanya, ang sabi ni Gabby: "Doon na tayo pupunta. Excited kami, pero kinakabahan at the same [time]."

Gayunman, inamin ni Gabby na nahirapan siya sa pagpili sa tatlo dahil propesyunal silang mga katrabaho.

"Masaya silang lahat kasama, wala silang mga arte. Okay na okay silang kasama, wala akong reklamo... Mga professional naman kasi at saka ang gagaling kaya mahirap i-pinpoint kung sino ang mas okay."  —LBG, GMA News