Arestado ang isang lalaki na inireklamo ng pagpapaputok umano ng baril matapos rumesponde ang mga pulis sa Pavia, Iloilo.

Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din sa Balitanghali nitong Martes, sinabing nagkaroon muna ng limang oras na negosasyon sa pagitan ng mga pulis at ng lalaki na inireklamo ng kaniyang kapitbahay dahil sa pagpapaputok ng baril.

Limang beses pa umanong nagpaputok ng baril ang lalaki kaya gumanti na rin ang mga pulis.

Nadakip kalaunan ang lalaki na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa balikat.

Isinugod ang suspek sa ospital bago siya isinailalim sa kustodiya ng mga awtoridad.

Wala namang ibang nasugatan sa insidente.

Tumangging humarap sa camera para magbigay ng pahayag ang lalaki, na nahaharap sa patong-patong na reklamo. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News