Itinaas na ni Heart Evangelista sa P50,000 ang pabuyang alok niya para mahanap ang isang aso na nagngangalang "Luka."

Nobyembre 3 nang mag-post si Heart sa Twitter tungkol sa nawawalang aso at nag-alok siya ng P10,000 na pabuya para mahanap ito.

Ayon kay Heart, huling nakita si Luka sa labas ng Dasmarinas Village sa Makati, sa Alphaland.

"Help us find him," saad ng aktres.

Dalawang araw makalipas nito na hindi pa rin nakikita si Luka, itinaas na ni Heart ang pabuya sa P50,000.

“Sana matulungan niyo kami," pakiusap ni Heart sa post nitong Biyernes.

"Baka nasa EDSA siya? He is very afraid of people so baka nagtatago sa mga bridge," anang aktres.—FRJ, GMA News