Nagpasulyap si Alice Dixson sa anak na si baby Aura nang mag-costume sila bilang "The Incredibles" bilang pahabol nilang Halloween entry.

Sa Instagram stories ni Alice, na makikita rin sa GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, nakabihis ang mag-ina bilang mga karakter ng naturang animated film.

Kahit nakasuot ng eye mask, pansin kay Baby Aura ang ilan niyang features.

Hindi pa ipinakikita ni Alice ang buong mukha ng kaniyang anak mula nang umuwi sila sa Pilipinas nitong Mayo.

Inanunsyo ni Alice noong Abril ang pagdating ng pinakabago nilang family member sa pamamagitan ng surrogacy. —Jamil Santos/LBG, GMA News