Bukod sa mga tao, naapektuhan din ng COVID-19 pandemic ang mga hayop sa zoo dahil ipinagbawal ang pagbisita sa kanila. Isa sa mga zoo na naapektuhan ang Malabon Zoo, at humihingi ng ayuda ang namamahala nito para sa pagkain ng mga hayop.
Ayon kay Kuya Kim Atienza sa "Dapat Alam Mo," dahil sa pagsasara ng zoo dahil pandemya, hindi kumikita ang zoo at hindi matiyak ng namamahala nito kung hanggang kailan nila matutugunan ang pagkain ng mga hayop.
Sa virtual tour na ginawa ni Kuya Kim, makikita na kaagad sa gate ng zoo ang pakiusap at panawagan na tulong ni Manny Tangco, na namamahala sa zoo.
Ano-ano nga ba ang mga hayop na nasa zoo at papaano makatutulong sa kanila? Panoorin ang buong video at dagdagan din ang kaalaman tungkol sa hayop mula sa trivia ni Kuya Kim.
--FRJ, GMA News