Kung siya ang papipiliin, inihayag ni Yasmien Kurdi na gusto niyang maging best friend ng anak niyang si Ayesha ang isang katulad ni Katrina Halili.
Sa programang "Mars Pa More," pinapili si Yasmien kung sino ang gusto niyang maging best friend ng kaniyang anak.
"Someone like Katrina Halili," sagot ni Yasmien. "Si Katrina Halili kasi, bilang kaibigan, siya 'yung magtatanggol sa'yo.
Nabanggit din ang pangalan ni Jennylyn Mercado na inilarawan ni Yasmien na masyadong mabait.
"So kung kunwari may mang-away sa kaniya (Ayesha), may magtatanggol sa kaniya, si Katrina," paliwanag pa ni Yasmien.
Batchmates sina Yasmien, Jennylyn at Katrina sa Season 1 ng Kapuso reality talent competition na "StarStruck" noong 2003.
Si Jennylyn ang itinanghal na Ultimate Female Survivor samantalang si Yasmien naman ang First Princess. --FRJ, GMA News