Tuloy na ang gagawing first movie ni Kim Seon Ho sa kabila ng kinasangkutang kontrobersiya kaugnay ng kaniyang ex-girlfriend.

Kahit natanggal sa cast ng dalawang pelikula, iniulat ng Soompi na mananatili naman si Seon Ho sa “Sad Tropics” movie.

“After much deliberation, the producers of ‘Sad Tropics’ have decided to film the movie this year with actor Kim Seon Ho,” ayon sa pahayag.

Isa si Seon Ho sa dalawang bida sa pelikula tungkol sa isang aspiring boxer na nagtungo sa Korea para hanapin ang ama.

Nitong nakaraang buwan, inanunsyo na wala na si Seon Ho sa upcoming movies na “2 O’Clock Date” at “Dog Days,” at aalis na rin siya sa variety show na “2 Days & 1 Night,” dahil sa umano'y abortion controversy sa kaniyang dating nobya.

Humingi ng paumanhin si Seon Ho sa kaniyang dating nobya at mga nasaktan dahil sa kontrobersiya. — FRJ, GMA News