Bago tuluyang isara ang National Planetarium na madalas na kasama sa field trip destination ng mga estudyante, pinuntahan ito ni Kuya Kim Atienza sa huling pagkakataon. Ano nga ba ang nasa loob nito?
Sa segment niyang #KuyaKimAnoNa sa GMA News "24 Oras," sinabi ni Kuya Kim na hindi sa lahat ng pagkakataon ay sa langit makikita ang mga planeta dahil mayroon niyan sa planetaruim.
Anang trivia master, itinayo ang National Planetarium noong 1975 at kinilalang the best sa Southeast Asia. Noong 2019, inayos ito para gawin pang mas moderno.
Ang pangunahing atraksiyon ng National Planetarium ay ang 16-meter dome na may 224 seating capacity para sa mga bisita.
Isasara ang National Planetarium sa kinalalagyan nitong gusali ngayon para bigyan daan ang development plans ng Rizal Park's National Parks Development Committee.
Pero asahan daw na muli itong magbubukas sa bago nitong tahanan. Tunghayan sa video ang mga atraksiyon sa loob ng planetarium.
—FRJ, GMA News