Inihayag ni Kuya Kim Atienza na kung meron man siyang Kapuso leading lady na gusto niyang makatrabaho, ito ay walang iba kundi si Marian Rivera.
"Gusto ko siyang makatrabaho hindi dahil gusto ko siyang maging leading lady, [pero] dahil best friend ko ang asawa niya, si Dong Dantes," pagkuwento ni Kuya Kim sa Kapuso Showbiz News.
Nagpahiwatig naman si Kuya Kim na meron siyang ginagawang proyekto kasama si Dingdong.
"Actually, 'yung OBB (opening billboard) namin kahapon, he volunteered to be part of it. So exciting and panoorin niyo, nando'n si Dong."
Agad daw na pumayag si Dingdong nang malamang makakatrabaho nito si Kuya Kim. Pero dahil matagal nang magkaibigan, sinabi ni Kuya Kim na gusto niya ring makatrabaho ang asawa nitong si Marian.
"Ang hirap tawagan ni Dong pero noong sinabing si Kuya Kim, biglang puwede. Because we're good friends. I've been with Dong for so many years. We trained together, we ride our motorcycles together. But I'd like to be in a project with Marian (Rivera)," ani Kuya Kim.
"Gusto kong makatrabaho si Marian. Not because gusto ko siyang maging leading lady, but dahil kay Dong. I've become so close to the couple, kaya gusto ko to be with her and get to know her more, a working relationship," dagdag ng TV host.
Sa kaniyang Instagram, inihayag ni Dingdong ang kaniyang pagbati kay Kuya Kim na bahagi na ngayon ng Kapuso Network.
"Not many may know this, but I have always given so much value and importance to the many occasions where @kuyakim_atienza wholeheartedly welcomed me into communities that have changed my life— from running, to our love for motorcycles and even spirituality," caption ni Dingdong.
"Ni minsan, hindi siya naging madamot sa pagbabahagi ng kaniyang kaalaman, passion at pananaw sa kung ano ang nararapat at kailangan.
Kaya naman "KUYA" ang tawag ni Dingdong kay Kuya Kim, hindi dahil sa screen name kundi isang nakatatandang kapatid ang tingin niya rito.
"KA- EM, because we belong to the same riding group. Ka- GOTTA, because we belong to the same health and wellness circle. KUMPADRE dahil siya ay Ninong ng aking anak," sabi ni Dingdong.
"But today, i’d like to take this opportunity to welcome you into a place that i have considered home for the past decades... Kaya Kuya, kumpadre, welcome! Ngayon, matatawag na rin kitang KAPUSO," dagdag ni Kapuso Primetime King. -NB, GMA News