Inihayag ni Julie Anne San Jose ang paghanga sa kaniyang "best friend" na si Barbie Forteza.
"Oh my gosh! I love her so, so much. We've been friends for a long time actually," sabi ni Julie sa Kapuso Showbiz News.
Ayon kay Julie, matagal na silang magkaibigan ni Barbie at wala siyang dull moment kapag kasama niya ang aktres.
"She's my best friend talaga. We tell each other stuff tapos, of course nakakatuwa talaga because napi-feel ko rin 'yung kaniyang support," anang Asia's Pop Diva.
"And siyempre ganoon din ako sa kaniya. She's such a good person, she's loving, she's so kind and humble and a true friend," dagdag pa ni Julie.
Kaya naman pareho nilang sinusuportahan ang isa't isa.
"I'm so, so grateful to have someone like her, and we have each other's backs, so nakakatuwa. Sobrang love ko talaga si Barbie," sabi ni Julie.
Nakatakdang magpremiere ang "Limitless, A Musical Trilogy" ni Julie sa Setyembre.--FRJ, GMA News