Pinagtibay pa ng GMA Network ang relasyon nito sa Regal Entertainment Inc. matapos ang mahigit tatlong dekada nang mag-partner ang dalawang multimedia giant para makalikha ng marami pang makabuluhang content.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabing itinuturing ito na pinakamalaking partnership ng Kapuso Network at Regal.

Pumirma sa partnership contract sina GMA Network chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, GMA President and COO Gilberto Duavit Jr., GMA Executive Vice President and CFO Felipe Yalong, GMA Films Inc. President and Programming Consultant to the Chairman and CEO Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Network First Vice President for Programming Management Joey Abacan, Regal Entertainment Inc. CEO and President Lily Monteverde at Regal Entertainment Inc. COO and Vice President Roselle Monteverde.

"Talagang matagal na itong ating pagsasama sa Regal. Ang Regal ay isa sa pinakamagaling na mag-produce ng pelikula at ngayon we will go into co-production of TV shows. With that as a background, I don't see anything but success in the future out of this relationship," sabi ni Atty. Gozon.

"We are all very, very grateful for this signing today extends our partnership not only for a period of time forward, but also in breath and its depth," sabi ni Mr. Duavit.

Maliban sa business, naging personal din ang relasyon ng GMA Network at Regal Entertainment.

"This one is a different kind of relationship, it's a partnership in so many areas of operations. One of them is really producing more relevant content for the platforms we are providing," ayon kay Mr. Yalong.

"Talagang I'm very excited. Since the beginning talagang I have always been a very, very dear friend to Kuya Germs (German Moreno), we helped one another. And now I'm here with GMA, I'm so proud," sabi naman ni Monteverde.

Ayon naman kay Atty. Gozon-Valdes, partnership din ito sa GTV at Heart of Asia kaya mas marami pa ang maiaalok sa audiences.

Pag-anunsyo ni Abacan, inaasahang mapapanood sa platforms ng Kapuso Network ang "Mano Po" legacy.

Nagsimula nang mapanood sa GTV ang mga obra ng Regal Films sa "Regal Treasures."

Mapapanood na rin sa Heart of Asia ang BL series na "Ben X Jim."

Sa Setyembre 11 naman, mapapanood na sa GMA-7 ang "Regal Studio Presents."—LDF, GMA News