Labis na ikinatuwa ng veteran actress na si Gloria Romero nang muli niyang makita at makausap via video chat ang isa sa mga naging guro niya noon.
Sa programang "Tunay Na Buhay," ipinakilala ang 100-taong-gulang na si Lola Virginia Malay, na minsan na ring mag-viral sa social media nang lumabas ang kaniyang larawan habang dumadalo sa reunion via zoom.
Ang anak ni Lola Virginia ang tumulong sa kaniya sa paghahanda upang makadalo sa naturang reunion.
Kahit noon pa man, mahilig daw talagang dumalo si Lola Virginia sa reunion pero natigil ito mula nang magkaroon ng pandemic.
Ayon pa kay Lola Virginia, ang panonood ng telebisyon ang isa sa kaniyang libangan, at isa sa mga paborito niyang artista si Gloria, na naging estudyante niya noon.
Sa pagkakataong ito, sinorpresa na si Lola Virginia na ipakausap sa kaniya via video chat si Tita Gloria, na nasorpresa rin.
Tunghayan sa video ang kanilang pag-uusap, at ang kanilang sikreto sa mahabang buhay. Panoorin.
--FRJ, GMA News