Pang-Hollywood na rin ang level ni Lovi Poe dahil gaganap siya sa upcoming biopic na "The Chelsea Cowboy."

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing ito ang kinumpirma ni Lovi matapos niyang i-post ang screenshot ng isang article tungkol sa kaniya mula sa Hollywood entertainment site na "Deadline."

Makakasama ni Lovi ang ilang sikat na aktor tulad ng "Magic Mike" star na si Alex Pettyfer at model-actress na si Poppy Delavingne.

Makakasama niya rin sa proyekto si award-winning actor Idris Elba bilang isa sa mga executive producer.

May post din si Lovi habang naglalakad sa Hollywood Walk of Fame.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

 

Bumuhos ang mga pagbati mula sa iba't ibang celebrities sa achievement ni Lovi.--Jamil Santos/FRJ, GMA News