Napatili sa takot sina Bianca Umali, Hannah Precillas at pati na ang mga host ng "Mars Pa More" na sina LJ Reyes at Camille Prats dahil sa kakaiba nilang palaro na "Pasabog na Chika!."

Sa naturang segment, bibigyan sila ng mga tanong at matitigil lang ito kapag pumutok na ang lobo na hawak nila. Sa nerbiyos, masagot kaya nila nang tama ang tanong?

Panoorin ang nakatutuwang video at alamin kung sino ang nagsabing isa sa "pogi point" sa kaniya ng lalaki ay ang pagiging "borta."

--FRJ, GMA News