Nakaramdaman daw ng hiya si Willie Revillame sa Shopee nang mapanood ang commercial ni Jackie Chan bilang bagong endorser ng naturang online shopping app.
Sa episode ng kaniyang programa nitong Huwebes, masayang ipinakita ni Kuya Wil sa kaniyang programang "Wowowin-Tutok To Win" ang naturang commercial ni Jackie na nagdinig pang nagsalita ng Filipino.
Sa commercial, nagpakita ng kaniyang martial arts move at nagsayaw ng markadong Shopee dance ang international superstar.
"Nahiya ako sa Shopee!," natatawang sabi ni Kuya Wil.
"Kasi nung kinuha akong [brand] ambassador, ayokong sumayaw! Pero china-challenge mo 'ko Jackie Chan!," sabi pa ng TV host.
Bukod kay Jackie, nakita rin na nagsayaw sa kani-kanilang commercial ng Shopee sina Kris Aquino, at maging si Jose Mari Chan.
Pero sa TV ad ni Willie, ang TV host ang ipinakitang naghatid o nagdeliver ng mga produkto sa iba't ibang panig ng bansa.
Biro pa ni Kuya Wil, lagi raw kasi niyang binabanggit sa kaniyang show ang pangalan ni Jackie kapag sumisigaw siya ng, "Bigyan ng jacket 'yan!"
--FRJ, GMA News