Nakilala na kung sino ang "special someone" at "mystery man" sa buhay ni Kris Aquino matapos siyang ipagtanggol mula sa basher.
Ang lalaki na ipinagpapasalamat ni Kris na dumating sa buhay niya ay si dating Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento, na nanungkulan noong termino ng kaniyang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Matapos kasing batiin ni Kris sa kaarawan ang "mystery man," may netizen na pumuna kung bakit ipinopost niya ang tungkol sa kaniyang love life kung gusto nito ng privacy.
“Ang sabi ko lang kung gusto mo ng private life. Bakit need mo pa mag-post ng ganito. Puwede mo naman i-greet na lng siya in private. Puro ka hanash ano yan parang Shopee may hint. Ang narcissistic mo kaya. Ano yun gusto mo pag-usapan ka lagi duh! Kung tatakbo ka tumakbo ka. Kung hindi eh di hindi. Daming hanash bagay sayo sa bahay na lng,” komento ng netizen.
Sinabi pang baka malasin ang lalaki na dating DILG secretary.
Sinagot naman ng IG account ni Kris ang netizen pero nakasaad ang paliwanag na :“Hiniram ko yung phone ni Kris."
Saad sa sagot sa netizen: "Ewan ko kung nakatrabaho kita sa DILG sa laki ng department mahirap maalalala ang lahat. “Wag naman masamain kung nag greet nga sa ‘kin, ba’t naman napunta na sa malas? Eh napasaya nga nya ko- kung tutuusin napaka swerte ko. Kung nag sama nga tayo sa department na minahal ko, konting respeto naman sa min ni Kris.”
Sa dulo ng komento, nakalagay ang pangalan ng nagpaliwanag na hiniram ang phone ni Kris--si "Mel Senen Sarmiento."
Nanindigan din si Kris na hindi aalisin ang kaniyang post.
“If you are afraid about my political ambitions, that’s why you called me narcissistic- that’s really not my problem. Mas mamalasin tayo kung puro ka negahan like your attitude instead of positivity and #lovelovelove. We live in a democracy and wala akong masamang pi-nost,” saad niya.
Kinumpirma rin ni Kris na ang dating opisyal ang tinutukoy niyang mystery man nang sagutin niya ang isang follower na nagsabing walang masama sa post niya.
“No need to guess, scroll down - he borrowed my phone to reply to this sweet troll,” ani Kris.
“Maybe now you’ll understand, that at least now there’s someone with the guts to stand up for me,” she added. "Wala akong pinatatamaan. I’m just stating facts… because for the longest time that was what my friends & followers kept telling me — that i deserved someone na handa akong ipaglaban," patuloy ni Kris.
—FRJ, GMA News