Ngayong tila hirap ang mga single na humanap ng love life dahil sa pandemic, ipinaliwanag ni Myrtle Sarrosa kung bakit dapat bigyan ng pagkakataon ang mga nakaka-chat na tila ayaw tumigil sa pagsasalita at laging ibinibida ang sarili.
"Honestly nakaka-relate ako diyan, kasi ang tagal ko na ring single," biro ni Myrtle sa ArtisTambayan.
"Honestly, na-realize ko rin through this pandemic na this is the time na parang you should not be afraid to give more about yourself. And in a relationship naman, it doesn't have to be anything romantic with someone, it's always a give and take, but you should not expect something from him," dagdag pa niya.
"Lahat ng tao merong flaws, you will not see each other the same way. So baka 'yun lang 'yung way niya of expressing to you. Baka kasi ganoon siya mag-express ng sarili niya, he overshares," anang Kapuso actress.
Para kay Myrtle, posibleng ang pagiging madaldal ng tao sa chat ay paraan niya para kumunekta rin sa kaniyang kausap.
"And siguro ikaw din mismo, I think it is also your role in a conversation na mag-share rin about yourself. Baka naman 'yung guy na ito, madaldal lang siya sa sarili niya kasi ayaw niyang maging awkward 'yung conversation or something. He likes you to the point na, hala tumatahimik ka, so tina-try niyang magdaldal."
Ayon pa sa kaniya, maaaring pamamaraan lamang ito ng ibang tao para pumorma sa kanilang crush.
"He likes you to the point na parang, 'alam mo ba gumagawa ako ng ganito,' 'I can pick the stars,' mga ganoong levels ng pagpapaporma. Baka 'yun ang way niya na ipakita sa iyo na puwede mo siyang magustuhan," ani Myrtle. – Jamil Santos/RC, GMA News