Ibinahagi ni Sophie Albert ang kaniyang nararamdaman bilang first time mom sa kaniyang three-month-old baby na si Alyanna.

Kuwento ni Sophie sa programang "Mars Pa More," naging mahirap para sa kaniya ang simula sa pag-aalaga sa baby tulad pagbe-breastfeed.

Pero habang tumatagal, nakapag-adjust na sila at nae-enjoy na niya ngayon ang pagiging isang mommy kay Alynna, na inilarawan niyang "madaldal."

"I love being a mom," saad niya. "Everyone should be a mom."

Sa Cai Cortez, na guest din sa show, sinabing dapat lalong mag-bloom ang mga mommy at dapat labanan ang pagiging losyang.

Panoorin ang panayam kina Sophie at Cai sa video. --FRJ, GMA News