Pinabulaanan at tinuldukan na ni “Hipon Girl” Herlene Budol ang tsismis na buntis siya at ang TV host na si Willie Revillame raw ang ama.
Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA news “24 Oras” nitong Miyerkules, game na ipinakita ni Herlene ang kaniyang "flat" na tiyan.
“Hello, buntis?,” natatawang saad ng komedyante habang ipinapakita ang kaniyang tiyan.
Lalong hindi ikinatuwa ni Herlene na nadamay pa ang host ng "Wowowin-Tutok To Win" na si Kuya Wil sa intriga na umano'y nakabuntis sa kaniya.
“Sa tingin niyo papatulan ako ni Kuya Wil?,” tanong niya.
Nauna nang itinanggi ni Kuya Wil ang naturang maling balita.
READ: Kuya Wil, nagsalita tungkol sa intrigang nabuntis niya si ‘Hipon Girl’ Herlene
Nag-post din si Herlene ng sexy photos niya sa Instagram para patunayan na hindi siya buntis.
Kasalukuyan na lock-in taping si Herlene para sa series na “Stories from the Heart” na may pamagat na “Never Say Goodbye.”
Kasama niya rito sina Jak Roberto at Klea Pineda.-- FRJ, GMA News