Balik-Pilipinas na matapos ang dalawang buwan na pananatili sa Amerika ang Kapuso star na si Lovi Poe.

Sa panayam ng GMA News "Unang Hirit," ikinuwento ni Lovi na kahit nagbabakasyon siya sa Amerika, naisingit din niya ang paggawa ng music video para sa kaniyang single na "Lost."

Kuwento ni Lovi, masaya siya dahil ang mga dating nakatrabaho niya sa GMA na lumipat na sa Amerika ang kaniyang nakasama sa paggawa ng music video.

Nagkaroon din siya ng pagkakataon na makasama sa Amerika ang nobyong si Monty Blencowe.

Panoorin sa video ang pasilip sa music video at ang patikim ni Lovi sa kaniyang bagong single.

--FRJ, GMA News