Ipinagtanggol ni Derek Ramsay si John Lloyd Cruz mula sa isang netizen na pumuna sa huli tungkol sa pagiging ama kay Elias.

Sa Instagram, nag-post si Derek ng larawan na kasama si Elias para batiin sa kaarawan ang bata.

"Happy birthday babiguling! Love ya buddy!" saad ni Derek sa caption ng larawan habang magkasama sila sa pool.

Isang follower ng aktor ang nagkomento sa naturang post at nasabing dapat magpasalamat si John Lloyd dahil naging stepdad ng anak niya si Derek.

"Buti nlng may Step dad tagapag alaga sa anakshie ni JL. Good job dadz Derek... Kampay...Say thank you Loydie hhha," anang netizen.

Sinagot naman ito ni Derek ng; "Bro that's not nice. JL is a good father to Elias."

Si Elias ay anak ni John Lloyd kay Ellen Adarna, na nobya fiance ni Derek ngayon.

Nitong Abril, inilarawan ni Ellen na "present father" si John Lloyd kay Elias. Ito ay matapos na may magpatanong kung naglalaan ba ng oras ang aktor para makasama ang kanilang anak.

“He wants to be present," aniya Ellen. "[Elias] needs his father as much as he needs me."

Nitong Linggo, kapwa ng post sina Ellen at John Lloyd ng pagbati sa kaarawan ng kanilang anak na si Elias na tatlong taong gulang na ngayon.

Nitong Marso, naging engaged sina Ellen at Derek.—FRJ, GMA News