Inihayag ni Ed Sheeran na may espesyal na bahagi sa puso niya ang Filipino fans dahil sa naranasan niyang mainit na pagtanggap sa kaniya mga Pinoy.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabi ni Sheeran na hindi niya malilimutang karanasan ang pagtatanghal niya sa bansa noong 2015 at 2018.

"The first time I came to the Philippines and I've never ever felt that much love from a place ever," sabi ni Sheeran.

"Everywhere I went it was pandemonium, it's the first time I actually felt like a star," dagdag pa niya.

Kung hindi lang dahil sa coronavirus pandemic, babalik daw sana siyang muli sa Pilipinas.

Kamakailan lang, inilunsad ng Grammy award-winning artist ang kaniyang bagong single na "Bad Habits," na makikitang suot niya vampire costume sa music video.

Ikinuwento niya na inspirasyon niya sa naturang awitin pagbabago niya matapos maging isang ama.

"It's incredible, man. It's the best," sabi ni Sheeran tungkol sa pagiging ama."It's not without its challenges, I'm still learning quite a lot but I'm enjoying every single day." —FRJ, GMA News