Sa "Unang Hirit," inilahad ni Pokwang ang mga ugaling nagpa-ibig sa kaniya sa kaniyang Amerikanong partner na si Lee O'Brian, lalo na ang pagyakap nito sa kulturang Pilipino.

"Unang una, 'yun talagang nag-adjust siya nang bonggang bongga, at niyakap niya 'yung ating kultura," sabi ni Pokwang sa Unang Hirit.

"Siyempre pangalawa 'yung respeto niya sa anak ko," dagdag ng bagong Kapuso comedienne.

Kinumpirma nina Pokwang at Lee ang kanilang relasyon noong 2015.

Meron silang isang anak, na si Malia.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

"Pangatlo, talaga namang, mas Pilipino pa nga kung kumain 'yan kaysa mga kilala kong kaibigan na half-half," sabi ni Pokwang.

"'Grabe siya 'day. 'Yung balut, 'yung durian," dagdag pa niya.

"Kailangan sa isang linggo hindi kami mawawalan ng pinaksiw," kuwento pa ni Pokwang tungkol kay Lee, na kinahihiligan din daw ang pandesal.

Opisyal na naging Kapuso si Pokwang nitong Hunyo sa kaniyang pagpirma sa GMA Artist Center. – Jamil Santos/RC, GMA News