Nanawagan ang international singer na si Britney Spears na wakasan na aniya'y "mapang-abusong" 13-taon na conservatorship ng kaniyang ama.

Sa ulat ng GMA News "State Of The Nation," sinabing dumalo sa special virtual hearing si Britney Spears hinggil sa isyu, na naging sarado sa media.

Gayunman, naging emosyonal ang pop star, ayon na rin sa mga inilabas na audio recording.

Bukod sa inilarawan ni Britney na abusive ang conservatorship ng kaniyang amang si Jaime Spears, gusto na rin daw ng pop star na bumalik sa dati niyang buhay.

Mula noong 2008, ang amang si Jamie ang namamahala sa personal at pinansyal na buhay ni Britney, matapos ang kaniyang public breakdown.

Inamin pa ni Britney na sa ilalim ng conservatorship, hindi niya maaaring ipatanggal ang birth control device para hindi siya mabuntis.

Sa isa namang pahayag, humingi ng tawad si Jamie sa kaniyang anak sa mga dinanas na paghihirap ng pop singer.

Wala pang resulta ang pagdinig.

Bukod sa kaniyang fans, nagpahayag din ng suporta sa pop star ang dati niyang nobyo na si Justin Timberlake, at si Mariah Carey.

Sa kaniyang Instagram, humingi ng paumanhin si Britney dahil sa pagpapanggap umano na naging maayos ang kaniyang buhay.

"I’m bringing this to peoples attention because I don’t want people to think my life is perfect because IT’S DEFINITELY NOT AT ALL … and if you have read anything about me in the news this week ???? … you obviously really know now it’s not !!!!" sabi niya.

"I apologize for pretending like I’ve been ok the past two years … I did it because of my pride and I was embarrassed to share what happened to me …" dagdag ng international singer.

Gayunman, nakatulong ang social media na nagsilbi niyang outlet.

"Believe it or not pretending that I’m ok has actually helped … so I decided to post this quote today because by golly if you’re going through hell … I feel like Instagram has helped me have a cool outlet to share my presence … existence … and to simply feel like I matter despite what I was going through and hey it worked … so I’ve decided to start reading more fairy tales ????????‍?????? !!!!!

 

—LBG, GMA News