Dahil sa muling pagpapalabas ng kanilang teleseries na "Endless Love," na-miss ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na magtambal sa isang proyekto.

Sa GMA News "Unang Hirit," tinanong ni Lhar Santiago ang Kapuso couple kung mapapanood na ba uli siya na magkasama sa isang bagong project on TV?

"Malay mo, Tito Lhar!" ayon kay Marian.

"'Pag kumpleto muna ang bakuna," dagdag ni Dingdong. "Meron pang second dose 'yan and then, from there, tingnan natin."

Nabakunahan ng COVID-19 vaccine sina Dingdong at Marian nitong weekend bilang bahagi sa ilalim ng A-4 category.

Dahil sa pagtutok ni Marian sa kaniyang mga anak at kasabay na rin ng pandemic, pinila ni Marian na huwag munang tumanggap ng proyekto.

Ngayong Hunyo, muling ipinalabas ang pinagtambalan nilang 2010 TV drama series na "Endless Love."

"Mas marami kaming energy para, siyempre, gumawa ng mas maraming bagay dahil medyo konting break kami lalo na si Marian," ani Dingdong.

"Naganahan kami na: 'Nako, ano pa kayang puwede pa nating gawin together?' Kasi na-miss namin 'yung samahan namin bigla sa TV," dagdag ng aktor.

Bukod sa "Endless Love," nagtambal din sina Dingdong at Marian sa "Dyesebel" at "Marimar."— FRJ, GMA News