Ipinakita ng aktor na si Janus del Prado ang matagumpay niyang pagbabawas ng timbang na mula sa dating 210 lbs ay naibaba niya sa 148 lbs sa loob lang ng tatlong buwan.
Sa Instagram, ipinakita ng aktor ang collage photos niya sa ginawang weight loss journey.
“I will never regret being fat,” saad ni Janus, na nilagyan pa niya ng "Fat Janus."
Pinuri pa niya ang "matabang" Janus dahil sa pagtanggap sa sarili sa pagiging "unhealthy.”
“And for making a difficult decision to make a change knowing that the road ahead towards that transformation is going to be hard af,” sabi ng aktor.
“For following through with that decision and for always striving to be the better version of ourselves," patuloy niya.
Umabot sa 60 lbs ang nabawas ni Janus sa timbang sa loob lang ng tatlong buwan, o 20 lbs sa bawat buwan.
“Be proud of the old you for making the new you. They deserve all the credit. Thank you, paps. Labyu,” mensahe pa niya sa sarili.
Sa kaniyang vlog, inihayag ni Janus ang kaniyang ginawang pagbabawas ng timbang sa pamamagitan ng OMAD o one meal a day, intermittent fasting.
Pero paalala niya, dapat kumonsulta muna sa duktor ang gagawa ng naturang uri ng diet.
Hindi siya kumakain sa loob ng 23 oras, at isang kain lang tuwing weekdays sa loob ng isang oras. Sa weekends, buong dalawang araw ang kaniyang fasting.
Ang Intermittent Fasting, ay pagtatakda sa oras ng pagkain: fasting and feasting.— FRJ, GMA News