Inihayag ni Ruru Madrid na natupad na ang isa sa kaniyang mga pangarap na maging host ng isang game show matapos siyang maging bagong co-host ni Sef Cadayona sa "Game of the Gens."
"It's an honor for me kasi nga katulad ng sinasabi ko noon na sobrang pangarap ko rin talagang maging host ng game show. And right now nabigyan ng katuparan itong pangarap na ito. So I'm very thankful sa lahat ng bumubo ng 'Game of the Gens,' sa trust na ibinigay niyo sa akin," sabi ni Ruru sa GMA Regional TV Early Edition.
Si Ruru ang bagong co-host ni Sef matapos magdesisyon si Andre Paras na tuparin na ang kaniyang pangarap na makapaglaro ng professional basketball sa PBA.
Sinabi naman ni Ruru na hindi naging madali noong una ang pagho-host niya sa comedy game show.
"Kasi nga first, ang pagho-host is kailangan talaga ng energy, kailangan dodoblehin mo 'yung 100% energy mo. Dapat maitatayo mo 'yung show, kailangan ma-feel ng contestants na at home sila," paliwanag ng aktor na bibida sa upcoming Kapuso series na "Lolong."
"Nakaka-proud na naibigay ko 'yong lahat-lahat doon sa project. 'Yun ang masasabi kong challenge lang doon. But sobrang love ko kapag natsa-challenge ako," patuloy ng Kapuso actor.
Pero mas napadali naman ang mga challege sa game show sa tulong at paggabay ni Sef.
"Even before pa magkaibigan na kami, magkakilala na kami ni Sef. So hindi na rin naging mahirap 'yung chemistry naming dalawa," ani Ruru. --FRJ, GMA News