Sa pagdiriwang ng Mother's Day ngayong Mayo 9, inilahad ng Kapuso stars kung paanong nagsilbing "hero" ang kanilang mga nanay sa kanilang buhay, at ang mga aral na kanilang natutunan sa pag-aalaga ng mga ito.
"Isang aral na nakuha ko mula sa nanay ko na madadala ko habang buhay ay 'yung talagang maging mapagkumbaba." - Glaiza de Castro
"Naaalala ko, na-diagnosed kasi si papa ng stage 2 B cancer, and si mama talaga 'yung nag-alaga sa kaniya... Doon ko na-realize na napakatapang ng mama ko at siya ang hero namin. Doon ko rin natutunan na totoo pala 'yun 'no, kapag nagmahal ka, mamahalin mo 'yung isang tao na 'yun sa hirap at ginhawa, at nakita ko 'yun kay mama." - Ken Chan
"Ang masasabi ko na naging hero 'yung mommy ko, is noong naitaguyod niya kaming dalawa ni Sanya (Lopez) since namatay 'yung daddy namin. Kasi siyempre hindi naman biro 'yung maging isang single parent, na mag-isa lang siyang pinapalaki kaming dalawa ni Sanya. Para sa akin naging hero siya kasi naging mabuting tao kami, lumaki kami nang maayos, nakapag-aral kami and napunan niya lahat ng pangangailangan namin." - Jak Roberto
"'Yung mommy ko handa siyang magpakumbaba para lang sa anak niya. Sobrang na-appreciate ko, sobrang grateful ako because I have a mom like that." - Liezel Lopez
"Heartbreaks. Andiyan siya to comfort me, sabihin sa akin, iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa, na maraming nagmamahal sa akin. Sa career, for example kapag may natapos, may nag-end, may bago, may something, siya 'yung someone to cheer me up para sabihin sa akin na hindi pa 'yan 'yung katapusan ng mundo." - EA Guzman
"My mom is a hero because whenever I'm in need, she's always there to help me, she's always there to provide for me. And with that I learned that a mother's love is truly unconditional." - Manolo Pedrosa
"Nararamdaman niya kahit hindi mo sabihin, nararamdaman niya kung ano 'yung nararamdaman mo. Hindi ko makakalimutan 'yon kasi ang galing talaga ng lukso ng dugo, 'yung pakiramdam." - Jelai Andres
"Ang pagiging diligent and understanding sa work and family. Dahil sa kaniya nabibigyan ng light ang buhay namin. Na-adopt ko na rin 'yung ugali niyang diligent and understanding since bata pa ako. Lagi niya kaming pinapaalalahanan na dapat may malasakit ka hindi lang sa family mo, pati na rin sa kapwa mo." - Althea Ablan
"My favorite memory with my mama would be when we went to Disneyland. Naaalala ko lahat ng places na gusto kong puntahan, kahit napakalayo, kahit na mahaba 'yung lakad at kahit na nagpapabuhat na ako, okay lang sa mama ko." - Ysabel Ortega
"Ang isang pagkakataon na masasabi kong naging bayani, naging hero ang aking mama sa aming magkakapatid ay 'yung pagkakataon na sinuportahan niya talaga kami na makatapos ng pag-aaral. Bigyang halaga ang edukasyon, bilang ang aking ina ay isa ring guro sa elementarya." - Boobay
Bisitahin ang YouTube channel ng GMA Network para sa iba pang videos ng Kapuso artists na naghayag ng kanilang pagmamahal at paghanga sa kanilang mga ina. – Jamil Santos/RC, GMA News